Libreng gamot hanggang ₱20K, available na sa ISIAH Hospital gamit ang PhilHealth

  • Home
  • Libreng gamot hanggang ₱20K, available na sa ISIAH Hospital gamit ang PhilHealth
Shape1
Shape2
Libreng gamot hanggang ₱20K, available na sa ISIAH Hospital gamit ang PhilHealth
Spread the love

Nagkaloob ang Department of Agriculture (DA)–MIMAROPA ng ₱1.5 milyong Business Development Assistance Grant sa Romblon State University (RSU) para sa pagtatatag ng CultivateX Hub, isang innovation at support center para sa mga benepisyaryo ng Young Farmers Challenge (YFC) Program at sa mga nagnanais pumasok sa agri-entrepreneurship.

Isinagawa ang turnover ng pondo noong Enero 21, na pangungunahan nina Agribusiness and Marketing Assistance Division (Inanunsyo ng ISIAH Hospital & Medical Center na ito na ang kauna-unahang health facility sa buong MIMAROPA na accredited sa PhilHealth-GAMOT program ng pamahalaan, na nagbibigay ng libreng gamot sa mga miyembro hanggang ₱20,000 kada taon sa ilalim ng YAKAP (Yaman ng Kalusugan Program).

Sa bagong programa ng PhilHealth, maaaring makuha ng mga miyembro ang mga pangunahing at maintenance na gamot tulad ng para sa hypertension, diabetes, hika, at iba pang chronic diseases, basta’t may reseta mula sa PhilHealth-accredited doctor.

Mula sa dating 21 uri ng gamot sa ilalim ng Konsulta Package, pinalawak ng YAKAP ang listahan sa 75 uri ng gamot na saklaw ng GAMOT benefit. Kapag naireseta, maaaring kunin ng pasyente ang gamot sa accredited pharmacy tulad ng sa ISIAH Hospital — direktang sisingilin ito sa PhilHealth, kaya’t wala nang kailangang ilabas na pera ang miyembro.

Pagkatapos tumanggap ng gamot, makatatanggap ang miyembro ng resibo o dokumento na nagpapakita ng natitirang balanse mula sa kanilang ₱20,000 annual allocation para madaling mamonitor ang paggamit ng benepisyo.

Hinimok ng PhilHealth ang lahat ng miyembro na i-update ang kanilang records at pumili ng YAKAP-accredited provider mula sa 23 health facilities sa lalawigan, kabilang ang halos lahat ng ospital at rural health units sa Romblon.

Ang YAKAP program ay bahagi ng Universal Health Care (UHC) Law, na layuning gawing abot-kamay at abot-kaya ang serbisyong medikal para sa lahat ng Pilipino, lalo na sa mga malalayong probinsya gaya ng Romblon.

AMAD) Chief Randy Pernia at Romblon Agricultural Program Coordinating Officer (APCO) Analiza Escarilla. Tinanggap naman ng mga opisyal ng RSU, sa pangunguna ni Prof. Eddie G. Fetalvero, Vice President for Research, Extension, Development and Innovation, ang naturang grant.

Ayon sa DA, layon ng CultivateX Hub na magbigay sa mga benepisyaryo ng access sa makabagong kagamitan at makinarya, technical assistance, mentorship, at networking opportunities. Inaasahan ding magsisilbi itong tulay upang maisalin ang mga pananaliksik at inobasyon sa mga produktong pang-agrikultura na handa para sa merkado.

Binigyang-diin ni Pernia na ang grant ay bahagi ng patuloy na suporta ng ahensya sa pagpapaunlad ng mga batang agripreneur at sa pagpapalakas ng mga negosyong nakabatay sa agrikultura sa rehiyon.

Kasabay ng aktibidad, kinilala rin ang mga YFC awardees ng RSU na sina David T. Fadriquel, Marben F. Fetilo, Francis G. Mortos, Ace Aldon M. Asis, at Mark Lambert Fornea, na magsisilbing unang benepisyaryo ng hub.

Sinabi ni Fadriquel, may-ari ng Tropin at YFC 2024 provincial at regional awardee, na inaasahang makikinabang sa proyekto hindi lamang ang kasalukuyang mga awardee kundi pati ang mga susunod pang mag-aaral ng unibersidad, lalo na sa paggamit ng mga makinarya at sa pagbuo ng mga bagong enterprise at produkto sa pakikipagtulungan sa RSU. (RNN)